And how you can survive all of them.
 
Hindi madaling maging Overseas Filipino Worker (OFW), kaya nga sila hinirang bilang bagong bayani. Marami silang sakripisyong kailangang ilaan para sa kanilang trabaho. Marami silang pagsubok na kailangang pagdaanan.
 
Kung naghahangad kang maging OFW, dapat handa ka sa mga pagsubok. Bago ang lahat, alamin mo ang mga pinaka-karaniwang pagsubok ng mga OFW. Tapos, alamin mo kung pano mo sila haharapin. Para matulungan ka, ito na ang listahan ng mga kailangan mong malaman.
 
Problem #1: Hindi nagpaparamdam na recruiter
 
Madalas na problema ng mga aplikante ang mga recruiter na bigla na lang hindi nagpaparamdam. Minsan, pakiramdam ng mga aplikante ay naiiwan na sila sa ere. Mahirap ding masyadong kulitin ang mga recruiter at baka lalo nilang tanggihan ang aplikasyon ng kandidato.
 
Solusyon #1: Kumuha ng licensed agency
 
Sa WorkAbroad.ph, may ilang daang recruitment agency ang tutulong sa iyong maabot ang pangarap mo. Lahat sila ay may lisensya mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) kaya makasisigurado kang propesyonal ang pakikitungo nila sa iyo.
 
Problem #2: Mahigpit ang kompetisyon
 
Kahit gaano mo kagusto ang trabahong pinapasukan mo, marami kang makikitang taong gustong gusto rin ito. Kaya naman, maghanda ka na sa mahigpit na kompetisyon.
 
Solusyon #2: Magpakitang gilas ka
 
Gawin mo na ang lahat ng makakaya mo para mapansin ka. Maghanda ka nang mabuti para sa mga job interview. Gandahan mo na rin ang resume mo. Pwede ka ring mag-rehistro sa mga online job boards tulad ng WorkAbroad.ph para lalo kang mapansin ng mga recruiter.
 
Problem #3: Hindi pagkakaintindi ng kultura
 
Sa mga naninirahan sa ibang bansa, talagang problema ang pag-intindi sa ibang kultura. May mga ginagawa tayo na hindi katanggap-tanggap sa ibang bansa. Gayon din naman sila sa atin.
 
Solusyon #3: Mag-aral at umintindi
 
Bago ka pa dumayo sa ibang lugar, pag-aralan mo ang kultura nila. May mga conference at training para sa first-time OFWs para maintindihan nila kung paano mabuhay ang mga tao sa ibang bansa. Maging open-minded ka rin. Hindi lahat ng bagay ay matuturo sa mga conference at training. Minsan, malalaman mo na lang ang mga bagay na kailangan mong tanggapin pagdating mo sa mismong bansa.
 
Problem #4: Pag-iwan sa mga mahal sa buhay
 
Kahit kailan, hindi madaling iwanan ang mga mahal sa buhay. Kung may pamilya ka, mas lalong mahirap magtrabaho sa ibang bansa. Mula sa pagpapaalam sa airport hanggang sa hindi pagdalo ng mga espesyal na okasyon, kailangan mong tiisin ang pagiging malayo sa kanila. Syempre, mamimiss ka rin ng mga mahal mo sa buhay. Iyong iba, mag-aalala pa sa kalagayan mo. Tuwing may birthday o reunion, lagi kang hahanap hanapin. Mabigat din sa loob isipin na ganito ang mga iiwanan mo sa Pilipinas.
 
Solusyon #4: Isama mo sila
 
Isama mo sila… sa mga plano mo, sa mga araw mo. Salamat sa teknolohiya, hindi na imposibleng gawin ito. Pwede mo nang makita araw-araw ang mga mahal mo sa buhay sa pamamagitan ng video call. Bago ka pa umalis, kausapin mo na sila. Ikwento mo ang mga pangarap mo para sabay-sabay niyong asahan ang pagtupad mo ng mga ito. Pare-pareho kayong ma-eexcite kung alam din nila ang mga plano mo.
 
Problem #5: Pag-iipon ng pera
 
Akala ng marami, madaling makaipon ng pera basta’t nagtatrabaho sa ibang bansa. Pero sa totoo lang, mas mahirap pa nga ito dahil marami ka ring kailangang bayaran para sa iyong pang araw-araw na pamumuhay.
 
Solusyon #5: Maging strict sa budget
 
Mag-set ka ng budget at maging istrikto ka rito. Pagkatanggap mo ng sahod mo, magtabi ka na kaagad para sa savings. Bayaran na agad lahat ng kailangang bayaran at maglaan ng pera para sa iyong pamilya. Totoong maraming pagsubok ang haharapin ng mga OFW. Pero, kung may tama kang preparasyon, kayang kaya mo ito! Mag-register sa WorkAbroad.ph para mas mapadali ang iyong pag-a-apply ng trabaho.