Bloom where you're planted.
Sa tuwing sumusubok ka ng bagong trabaho, nangangahulugan ito sa paglabas mo ng iyong comfort zone. Kaya naman sa buhay ng isang Overseas Filipino Worker (OFW), siguradong marami kang matutunan. Narito ang ilan sa mga iyon.
-
Hindi masusunod lahat ng gusto mo
Siguro natutunan mo na ito, pero lalo mong maiintindihan ito kapag nagtatrabaho ka na sa ibang bansa. Mas maraming pagsubok ang naghihintay para sa iyo. Mas maraming responsibilidad ang kailangan mong harapin. Marami kang taong makakasalamuhang hindi mo maiintindihan. Sa mga panahon na ito, importanteng matuto kang tumanggap ng kapalaran. Bilog ang mundo, at darating din ang kailangan mo.
-
Kahit malaki ang sweldo, hindi madaling mag-ipon
Maraming pumipiling magtrabaho sa ibang bansa para sa malaking sahod. Kaso, hindi automatic ang malaking ipon. Kailangan mong paghirapan ito. Kailangan mong magkaroon ng tamang disiplina sa budget.
-
Kaya mong makipagkaibigan kahit saan
Nakakatakot isiping kailangan mong makipagkaibigan sa taga-ibang bansa, pero malalaman mong kaya mo naman ito. Matututo kang kumaibigan ng iba’t ibang tao na may iba’t ibang kwento. Magiging bukas ka sa magkakaibang kultura at pananaw. Matututo kang makibagay sa kahit sino.
-
Kailangan ng tibay at lakas ng loob
Talagang marami kang pagdadaanang pagsubok sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Pero, huwag kang susuko. Makalipas ang ilang buwan at makikita mong kayang kaya mo pala lahat ng pagsubok na ihaharap sa iyo. Dahil dito, magkakaroon ka ng mas pinalakas na self-confidence. Mas kakayanin mo ang mga susunod na hamon bilang isang OFW.
-
Kailangan mabilis kang mag-isip
Hindi ka na pwedeng pabagal-bagal kapag nagtatrabaho ka sa ibang bansa. Dapat marunong ka nang matuto nang mabilisan. Kapag tinanong ka, maging alerto at isiping mabuti ang sasabihin. Importante ring ma-develop mo ang iyong problem solving skills para ikaw ay handa sa anumang problema na darating.
-
Walang language barrier ang ngiti
Kahit saan ka magpunta, maiintindihan ng mga tao ang ngiti mo. Dalhin mo ito sa ibang bansa, at mas madali kang magkakaroon ng maganda at masayang samahan kasama ang iyong mga ka-trabaho.
-
Worth it ang bawat effort mo
Marami ka mang paghihirap na pagdadaanan, matututunan mo namang worth it ang bawat effort mo. Walang masasayang, basta gawin mo ang pinakamakakaya mo. Kung masipag at maayos ka sa trabaho, tiyak na magandang kinabukasan ang naghihintay sa iyo.
-
Importante ang pagkatao
Ilan sa mga batayan man ng mga recruiter ay kagalingan at talento ng isang tao. Lagi mong tatandaan, mas importante pa rin ang pagkatao mo at magandang pakikitungo sa lahat. Matuto ka ng soft skills, at mas madali mong makakamit ang iyong mga nais.
-
Dapat open-minded ka lagi
Matuto kang makisama sa iyong mga ka-trabaho kahit na anong lahi pa sila. Mahalagang tanggapin, igalang, at unawain ang mga kultura, tradisyon at ugali ng iyong mga kasama para makabuo ng masayang pagkakaibigan.
-
Matututo kang humingi ng tulong
Huwag mahiyang humingi ng tulong sa iyong mga ka-trabaho o kaibigan sa ibang bansa dahil sila na ang pangalawang pamilya mo. Sila ang magiging karamay mo at magpapalakas ng iyong loob upang harapin ang mga pagsubok.
Excited ka na bang magtrabaho sa ibang bansa? Mag-register na sa WorkAbroad.ph para sa mas madaling pag-apply bilang OFW!