Samo’t sari ang kwento nating mga OFW—kung minsan punong-puno ng drama, at talaga naming hindi nawawalan ng hugot. Kung minsan saksakan rin ng komedi at katatawanan! Ang buhay nating OFW ay tunay na parang pelikula, pero kahit ano pa man ang ating karanasan sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa, hinding-hindi nawawalan ang ating mga kuwento ng puso, dahil puso ang ating pinagpupuhunan. O pak, di ba! Dahil diyan, ito ang aming Top 10 pinoy OFW movies na talagang nakakaintindi sa pinagdadaanan natin at nakaka-inspire din!
Mar 23, 2022