Kayang kaya mo yan!
 
Sa hirap ng buhay ngayon, marami nang naghahanap ng iba at mas kalidad na oportunidad. Isa sa mga unang kinakapitan ng mga Pilipino ang pangako ng “greener pastures” sa ibang bansa. Kaya naman, dumarami ang nagiging Overseas Filipino Workers (OFWs).
 
Pero tulad ng lahat ng bagay, walang kasiguraduhan ang resulta ng pagiging OFW. Syempre, importante ring magkaroon ka ng sarili mong diskarte.
 
Bago mo tahakin ang buhay bagong bayani, basahin mo muna ang ilan sa mga tips na ito. Malamang, makukuha mo rin ang tagumpay na hinahangad mo!
 
  1. Maghanap ka ng licensed recruitment agency
    Isa sa pinakaimportanteng factor sa pag-aapply bilang OFW ang recruitment agency. Dapat simula pa lang, makahanap ka na ng ahenteng mag-aalaga sa iyo. Siguraduhin mong na-accredit sila ng Philippine Overseas Employment Agencey (POEA) para alam mong legal ang prosesong pagdadaanan mo. Sa WorkAbroad.ph, makakasigurado kang lisensyado ng POEA ang ahenteng makukuha mo. Lahat sila, dumaan sa tamang proseso kaya pwede silang mag-hire ng mga Pinoy para sa overseas jobs. Mainam na mag-register ka sa WorkAbroad.ph nang makasigurado kang maayos ang application process mo.
     
  2. Iwasang malubog sa utang
    Kung kailangan mong mangutang ng napakalaki para lang makapag-OFW, pag-isipan mo muna kung tutuloy ka. Mahirap na malubog ka sa utang bago ka pa kumikita. Mas mainam na pag-ipunan mo muna ang application mo bago ka mag-apply bilang OFW. O kaya naman, humanap ka na lang ng paraang makapag-OFW ka nang hindi gumagastos masyado.
     
  3. Ayusin mo ang financial goals mo
    Bilang OFW, masarap sa pakiramdam kapag nakikita mong may dulot ang lahat ng sakripisyo mo. Kaya naman, galingan mo ring mag-ipon! Imbes na gastusin mo ang mas malaki mong sahod, matuto kang mag-tipid. Mag-set ka ng budget goals mo. Maginvest ka.

    Matuto ka kung paano humawak ng pera. Kung kailangan mo ng mas detalyadong guide, magtungo sa article na ito.
     
  4. Turuan ang pamilya ng financial literacy
    Kung may pamilya ka sa Pilipinas na padadalhan ng remittance, dapat marunong din silang maghawak ng pera. Turuan mo silang gumawa ng budget sa pang araw-araw na gastusin at i-prioritize ang mga importanteng bayarin katulad ng tuition fees, renta ng bahay, utility bills at iba pa.
     
  5. Matuto ka nang matuto
    Araw araw, may mga bago kang oportunidad na matuto. Kahit nagtatrabaho ka na, napakalaking bagay na nadadagdagan ang mga kaalaman mo sa buhay. Syempre, habang nadadagdagan ang kaalaman mo, aasenso ka rin. Dadami ang pwede mong tahaking landas. Dadami rin ang matutulungan mo. Importante ang self-improvement kahit saan ka man nagtatrabaho, kaya kumayod ka lang nang kumayod hanggat kaya mo.
     
  6. Magkaroon ka ng short-term goals
    Minsan, nakaka-burnout ang trabaho nang trabaho. Para tunay mong makita kung umaasenso ka, mag-set ka ng goals: short-term at long-term goals. Sa short-term goals mo, mas madali mong makikita yung pag-unlad mo. Mag-celebrate ka tuwing nakakamit mo ang mga ito!
     
  7. Magkaroon ka ng long-term goals
    Syempre, dapat may long-term goals ka rin bilang OFW. Gusto mo bang mapagtapos lahat ng anak mo? Gusto mong makapag-ipon para sa sarili mong house and lot? Sa pamamagitan ng long-term goals mo, magkakaroon ka ng guide sa pamumuhay mo bilang OFW. Ito rin ang magmo-motivate sa iyo sa mga panahong nahihirapan ka nang mag-trabaho.
     
  8. Humanap ng mabubuting kaibigan sa abroad
    Napakahirap malayo sa pamilya at sa kinikilalang tahanan. Kaya naman, humanap ka na rin ng mga kaibigan na pwede mong ituring bilang pamilya. Dahil sa rami ng OFW sa mundo, siguradong makakahanap ka rin ng kababayan mo sa destinasyong pinagtatrabahuhan mo. Ayain mo silang mamasyal o kumain sa labas para makapagunwind kayo at mabawasan ang homesickness.
     
  9. Huwag kalilimutan ang pamilya
    Nagtatrabaho ka rin para sa pamilya mo. Dahil sa teknolohiya, pwedeng pwede mo na silang makausap kahit na malayo ka pa! Mag-set kayo ng takdang oras ng kwentuhan at kamustahan kada linggo. Importante ring napananatili mong matatag ang pamilya mo. Lagi mong ipaalala sa kanilang mahal mo sila, kahit sa video chat lang kayo magkausap.
     
  10. Mag-enjoy
    Mahirap man at maraming pagsubok, masarap din naman ang buhay OFW! Isa itong oportunidad na gusto ng karamihan, kaya huwag kang makalilimot magpasalamat. Enjoy-in mo ang bawat minuto mo na nasa abroad! Habang natutuwa ka sa ginagawa mo, magugulat ka na lang sa bilis ng takbo ng panahon.
     
Tulad nga ng kasabihan: kapag may sipag at tiyaga, may nilaga! Marami mang pagsubok ang haharapin mo bilang OFW, kakayanin mo ito basta’t matibay ang iyong puso. Sundin lang ang mga tips na ito, at siguradong magtatagumpay ka rin!
 
Mag-apply na sa WorkAbroad.ph para masimulan mo na ang OFW journey mo. Good luck!