Pagkuha ng booster shot sa Pilipinas: guidance ng DOH
Maari nang magpa-booster kung may dumaan nang 3 buwan pagkatapos ng iyong second dose, o 2 buwan matapos ang unang dose ng Janssen/Johnson & Johnson. Naging mas madali nang kumuha ng “booster shot” ang publikong Pilipino, lalo na ang OFWs at seamen na priority sa pagkuha.
Kung wala ka pang covid vaccine booster shot, makipag-ugnayan agad sa iyong Local Government Unit (LGU) at magpa-schedule. Maraming LGU ang may walk-in vaccinations. Pero mas mabuting may schedule para siguradong may supply ng booster na kailangan mo, at kung maaari may VaxCert booth para siguradong mailagda sa iyong record ang iyong booster shot.
Para malaman ang tamang klaseng booster shot para sa iyo, tignan kung anong vaccine ang iyong first at second dose. Ito’y ayon sa listahan ng Department of Health:
Pagpunta sa bakunahan, dalhin ang iyong Philippine government ID, LGU vaccination card, at kopya ng lahat ng papeles tungkol sa iyong deployment: kontrata, Overseas Employment Certificate, etc.
Huwag kalimutan ang dalawang patunay ng iyong pagiging bakunado: ang VaxCert at ang ICV, o Yellow Card. (Wala pa ng mga ito? Basahin ito para malaman ang requirements.)
Pagkatapos ng iyong booster, puntahan ang VaxCert booth at i-update ang iyong certificate. Pwede mo itong gawin online, sa VaxCertPH website. Pero para maiwasan ang mga errors sa pag-update, maraming mga LGU ang nagtayo ng booth para tulungan ang publiko. Kung wala ang booth sa mismong vaccination site, posibleng nasa City Hall o SM Supermall sa inyong area.
Mga bansang may requirement ng COVID vaccine booster shot
Tingnan natin ang ilang mga bansang madalas puntahan ng mga Pinoy OFW, at kung alin ang naghahanap ng booster shot para makapasok:
- Australia. Kailangan ng negative PCR test na kinuha 3 days bago lumipad.
- Austria. Kailangan ng booster kung 9 months (270 days) na ang nakalipas pagkatapos ng iyong second dose. Kung walang vaccine booster shot, maaaring makapasok kung may negative PCR test na may bisa na 72 hours.
- Canada. Sa kasalukuyan ay wala pang booster shot requirements, basta qualified as a fully vaccinated traveller. Lahat ng pasahero ay may quarantine ng 14 days.
- Dubai/United Arab Emirates. Ang mga non-citizen ay considered fully vaccinated hanggang 1 year (365 days) pagkatapos ng second dose. Kailangan ng negatibong RT-PCR test na kinuhang less than 3 days bago dumating.
- European Union. Hindi pa final ang patakaran para sa mga pasaherong galing sa labas ng EU. Malaki ang posibilidad na susunod ito sa aprubado nang patakaran ng EU Digital COVID Certificate para sa pagbiyahe sa loob ng EU. Kailangan ng booster shot pagkatapos ng 9 months (270 days) mula sa second dose. Pero dahil 27 ang bansang miyembro ng EU, siguraduhin ang pinakabagong patakaran sa bansang pupuntahan. EU site
- Hong Kong. Sa ngayon (Enero 2022), bawal pa sa Hong Kong ang mga incoming flights galing sa Pilipinas. Subaybayan ang mga pangyayari at abangan ang muling pagbubukas.
- Israel Kailangan ng booster shot kung lampas na ng 6 months (180 days) mula sa second dose. Dapat hindi lampas ng 14 days bago dumating ng Israel ang iyong booster shot.
- Japan. Sa ngayon (Enero 2022), sarado pa rin ang Japan sa mga pasaherong galing Pilipinas. Balikan ang balita sa Philippine Embassy of Japan.
- Kuwait. Kailangan ng booster shot kung may 9 months nang nakalipas pagkatapos ng second dose. Kailangan din ng negative PCR test na hindi lalampas ng 48 hours bago dumating sa bansa.
- Netherlands. Mula sa February 2022, 9 months (270 days) na lamang ang bisa ng second dose. Kung lampas na rito at wala pang booster shot, magkakaroon ng mga karagdagang entry requirements para makapasok.
- Saudi Arabia. Kung ang unang bakuna mo ay Sinovac/Sinopharm o Sputnik, kailangan ng booster shot ng isa sa apat na vaccines na tinatanggap sa bansa: Pfizer/BioNTech, Moderna, Oxford AstraZeneca, o Janssen/Johnson & Johnson.
- Singapore. Mula sa February 2022, 9 months (270 days) lamang ang bisa ng second dose. Kung lampas na rito, dapat may booster shot para makapasok. Sundan ang mga advisory sa iyong agency o ng Philippine Embassy sa Singapore.
- Switzerland. Ang mga bisita sa bansa ay may one year (365 days) mula sa second dose ng mga tanggap na vaccines para magkaroon ng booster shot.
- Taiwan. Sa ngayon (Enero 2022), sarado pa ang Taiwan sa mga pasaherong galing sa Pilipinas. Para sa balita ng pagbukas, bantayan ang mga website at social media ng MECO, ang Philippine mission sa Taiwan.
- United Kingdom. Hindi kailangan ng booster para pumasok ng bansa. Kailangan lamang ng negative test 2 araw pagkarating.
- United States. Hindi kailangan ng booster shot sa US. Lahat ng papasok sa bansa, dapat mag-present ng negative RT-PCR o antigen test na hindi lalampas ng isang araw bago lumipad. Kung balak magtrabaho sa US, maaaring magpabakuna ng mga aprubado para sa domestic use: Pfizer, Moderna, at Janssen/Johnson & Johnson.
Isa lamang ang vaccine sa mga paraang makapasok ng ibang bansa. Siguraduhin ding bukas ang bansang pupuntahan sa mga pasaherong galing ng Pilipinas. Kahit may travel ban, may mga bansang nagbibigay ng exemption para sa mga may employment visa o work permit. Agency o employer din ang mag-asikaso nito.
Para sa latest OFW travel updates, pumunta lamang sa POEA Advisories page.
Huwag din kalimutang tumingin sa WorkAbroad.ph para sa balita at magagandang trabaho sa buong mundo.