Hu-hu-Hugot!

Kung minsan, masarap sa pakiramdam ang mailabas lahat ng nasa loob natin—yung mga hugot moments na talaga namang dumadating sa buhay! Oo nga, may konti nga sigurong kurot sa puso ang mga pelikulang ito, pero pinapakita rin naman na kahit ano pa man ang challenge na ihagis sa atin, alam natin na kayang-kaya natin ang mga ito at hindi tayo nawawalan ng pagkakapitan.

 

“In My Life”

Directed by: Olive Lamasan
Starring: Vilma Santos, Luis Manzano, John Lloyd Cruz
Mapapanood sa: Vivamax

Madami-dami na ring pelikula tungkol sa OFW si Ate Vi. Isa na dito ang kaantig-antig na “Anak”, na siya naming napaka-classic at iconic. (Hinding-hindi natin makakalimutan ang linyahan nila ni Claudine! ) Pero huwag nating kalimutan ang “In My Life” na lumabas noong 2009 sa direksyon ni Olive Lamasan.

Kwento ito ng isang inang nagngangalang Shirley na nagtrabaho bilang librarian sa isang public school. Sa pagpasya ni Shirley na makipagsapalaran sa New York, nagkita silang muli ng kanyang anak na matagal na niyang hindi nakakapiling. Mga sikretong matagal nang nakabaon ang madidiskubre ni Shirley tungkol sa anak. Ceritfied iyakan galore ang movie na ito. Pero ok lang naman na mailabas paminsan-minsan, hindi ba?

Hugot meter: 10/10

 

“Never Not Love You”

Directed by: Antoinette Jadaone
Starring: James Reid, Nadine Lustre
Mapapanood sa: Netflix

Itaas ang kamay kung ikaw ay isang tunay na JaDine! Ito na ang isa sa mga pinaka-matinding ginampanan ni Queen Nadine. For sure makaka-relate ang karamihan sa mga milenyal na OFW sa kwento nina Joanne at ni Gio. Mahal na mahal nila ang isa’t isa, pero gaanong kaya katatag ang kanilang pag-ibig kapag biglang naiba ang landas nila? Kailangan ba talagang mamili sa pagitan ng pag-ibig o ng kinabukasan?

Hugot meter: 8/10

 

“The Maid In London”

Directed by: Danni H. Ugali
Starring: Andi Eigenmann, Matt Evans
Mapapanood sa: Vivamax
 

Halaw sa tunay na kwento ang “The Maid In London”. Content warnings lang muna para sa karahasan, pero ipinakita ng kwentong toh ang katapangan sa harap ng hamon. May pagka-kapit sa patalim pero dahil sa pagkaganap ni Andi Eigenmann, hindi nawawalan ng dignidad ang karakter niyang si Margo.

Hugot meter: 10/10

 

“Sunday Beauty Queen”

Directed by:  Baby Ruth Villarama
Mapapanood sa: Netflix

Nailabas noong 2016, inilalarawan ng dokyumentaryong ito ang buhay ng isang grupo ng mga domestic helper na nagtatrabaho sa Hong Kong. Tuwing Linggo, rurampa ang grupong ito bilang paghanda sa beauty pageant.

Ang pagsasali at pakikilahok sa mga byucon ang siyang naging libangan at pinagkukuhanan ng aliw at suporta ng grupo. Siyempre sa lahat naman ng byucon may kanya-kanyang manok at taya, at siguradong kapag napanood niyo ito, mapapamahal kayo kina Rudelyn Acosta, Cherrie Bretana, at Mylyn Jacob. Hugot meter: 7/10

 

Tawa Muna, Kabayan!

Kung may hugot at drama, aba meron din namang masasayang moments ang buhay OFW. Kung minsan nga, pinagtatawanan pa rin natin ang mga moments na may pagkamasalimuot. Oks lang yan! Ito naman ang aming mga napiling mga comedy.

 

“Pinoy Sunday”

Directed by:Wi Ding Ho
Starring: Bayani Agbayani, Jeffrey Quizon
Mapapanood sa: Netflix

Sa Taipei nagtatrabaho sina Manuel (Jeffrey Quizon) at Dado (Bayani Agbayani). Isang araw nakadiskubre sila ng isang na-abandona na sofa. Sa unang tingin, napaka-simple ng set-up ng pelikulang ito na ginawa ng isang Malaysian direktor pero sakto at swabe ang pagkakuha sa mga sentimento ng OFW na nakikipagsapalaran sa ibang bansa.

Kakaibang komedi na tagos rin sa puso!

Tawa Muna Meter: 7/10

 

“Apat Dapat, Dapat Apat”

Directed by:Wenn Deramas
Starring: Candy Pangilinan, Rufa Mae Quinto, Pokwang, Eugene Dominguez
Mapapanood sa: Vivamax

Isa sa mga pinaka-nakakatawang nagawa ni Direk Wenn Deramas ang “Apat Dapat, Dapat Apat”. Pero bago ang lahat, hayaan niyo sana rin kaming magbigay ng konting content warning. May pagka-black comedy ang “Apat Dapat, Dapat Apat” pero nanggagaling naman ito sa lugar ng matinding pagmamahal at pakikiramay sa mga domestic helper sa Hong Kong.

Tawa Muna Meter: 10/10

 

Love Is In The Air

At siyempre hindi mawawala ang romansa sa buhay OFW. Kahit naman sino ay nangangarap na magkaroon ng isang Happy Ever After, hindi ba?

 

“Barcelona: A Love Untold”

Directed by:Olivia Lamasan
Starring: Kathryn Bernardo, Daniel Padilla
Mapapanood sa: Netflix, Vivamax
 

Hindi rin naman pwedeng walang representasyon ang kampo ng KathNiel! Malapit sa puso namin ang “Barcelona: A Love Untold” dahil bukod sa nakakakilig ang love team ni Kathryn at Daniel, damang-dama ang kwento ni Ely na hindi maka-let go sa pag-ibig niya para sa kanyang dating kasintahan na si Celine. Nang pagtagpuin ng tadhana si Ely at si Mia, isang dalagang umeeskapo sa masakit niyang nakaraan, nagkaroon ng bagong pag-asa si Ely na umibig muli.

Love is in the air meter: 8/10

 

“A Faraway Land”

Directed by:Veronica Velasco
Starring: Paolo Contis, Yen Santos
Mapapanood sa: Netflix

May love triangle sa gitna ng kwento ng “A Faraway Land” na na-release noong 2021. Kaiba rin ang mga karanasan ng mga Pinoy sa Faroe Islands. Isang photographer si Nico (Paolo Contis) na bumiyahe sa Faroe Islands upang gumawa ng dokyumentaryo tungkol sa mga OFW na naninirahan dito. Makikilala niya si Majhoy na siyang nakapagpangasawa ng taga Faroe Islands. Mapusok ang mga ganap sa pelikulang ito!

Love Is In The Air Meter: 6/10

 

“Hello, Love Goodbye”

Directed by: Cathy Garcia-Molina
Starring: Kathryn Bernardo, Alden Richards
Mapapanood sa: Netflix

Pangalawang beses na naming itatanong ito: kailangan ba talagang mamili sa pagitan ng pag-ibig at sa kinabukasan? Hm…nakakahalata na kami, ha. Pero, in fairness, mukhang ito nga ang number one question sa isip ng karamihanng OFW.

Si Ethan ay isang bartender, samantalang si Joy naman ay isang domestic helper na nagtatrabaho sa Hong Kong. Napaka-heartfelt ng pagganap ni Kathryn Bernardo sa karakter ni Joy. Ramdam na ramdam ang sakripisyo at maging ang kanyang mga. Mahalaga ang representasyon ng mga OFW sa pelikulang ito ni Cathy Garcia-Molina, at bukod sa love story na nasa gitna ng pelikula, marami ring mga katotohanan tungkol sa buhay OFW ang naisasalarawan dito.

Love Is In The Air meter: 7/10

 

“Imagine You And Me”

Directed by: Michael Tuviera
Starring: Maine Mendoza, Alden Richards
Mapapanood sa: Netflix

Kaway-kaway rin sa mga hardcore na AlDub! Italy naman ang setting ng love story na ito. May pagka-opposites attract at grumpy/sunshine ang tambalan nina Maine at Alden. Para sa mga superfans, hindi talaga dapat pinapalagpas ito, at lalong hindi namin kayo i-ja-judge kung ilang beses niyo na rin itong napanood na!

At kung kayo’t na-inspire ng aming top pinoy OFW movies, sana ma-inspire din kayo na maghanap ng trabahong mapupusuan nyo! Pumunta lamang sa WorkAbroad.