Bilang isang OFW, pinaghirapan mo ang bawat piso na kinikita mo, kaya masakit talaga kung mawala ito dahil sa scam. Maraming klase ng scams ang nagta-target sa OFWs—mula sa job offers hanggang sa investment deals. Dito, tatalakayin natin ang iba pang scams na dapat bantayan ng OFWs, at mga paraan para maiwasan ang mga ito. 

 

Mga Uri ng Scams na Target ang OFWs 

1. Employment Scams. Sa social media at messaging apps tulad ng WhatsApp at Facebook, maraming employment scams na umaakit sa mga OFWs gamit ang "too good to be true" job offers. Madalas, makikita mo ang mga offers na may mataas na sahod at mga magandang benefits, pero may hihinging placement fees o processing fees bago masigurado ang trabaho. Sa oras na mabayaran mo ito, madalas na biglang nawawala ang recruiter. 

Paano Maiiwasan: 

  1. I-verify ang recruiter o agency sa DMW o POEA bago makipag-deal. Siguraduhin na ito ay naka-register at may lisensya.. 
  2. Maging mapanuri sa mga sobrang taas na alok sa sahod at benepisyo. Kung masyadong maganda para maging totoo, mag-dalawang-isip na. 

2. Investment Scams. Bilang OFW, natural lang na gusto mong mag-invest para sa kinabukasan mo at ng iyong pamilya. Pero maraming investment scams ang nag-aalok ng "sure profit" at "fast returns." Ang mga scams na ito ay nanghihikayat ng mabilisang investment, kahit na walang lehitimong negosyo o produktong kasali. Kadalasan, ito ay “get-rich-quick” schemes lang. 

Paano Maiiwasan: 

  1. I-check kung rehistrado sa SEC ang kumpanya bago mag-invest ng pera. Sa ganitong paraan, makakasiguro ka na lehitimo ito. 
  2. Mag-ingat sa mga "get-rich-quick" schemes na nangangako ng mabilis na kita. Tandaan: Kung masyadong maganda para maging totoo, malamang hindi ito totoo. Kaya maging maingat. 

3. Pyramid Scams. Sa ganitong uri ng scam, may "investment opportunity" kuno kung saan ang kita mo ay magmumula sa pagre-recruit ng bagong members. Walang lehitimong produkto o serbisyo sa ganitong scheme, at ang kita ay base lamang sa patuloy na pagrerecruit ng mga bagong miyembro. 

Paano Maiiwasan: 

  1. Alamin ang business model. Kung kailangan mong mag-recruit para kumita, malaking red flag na ito ng isang pyramid scheme. 
  2. Huwag basta magbayad ng membership fee o mag-invest nang hindi nauunawaan ang negosyo. 

4. Phishing Scams. Madalas na nangyayari ang phishing scams kapag nagpapanggap ang scammer na lehitimong organisasyon para makuha ang iyong mga personal na detalye gaya ng bank details o password. Madalas silang nagpapadala ng pekeng email o link na kunwari galing sa bangko o di kaya’y nagpapanggap bilang agencies mismo. 

Paano Maiiwasan: 

  1. Iwasang mag-click sa mga suspicious links at siguraduhing kilala mo ang sender bago ibigay ang iyong impormasyon.
  2. Gumamit ng two-factor authentication sa iyong mga online accounts para sa dagdag na proteksyon.
  3. Siguraduhin na ang email na ito ay galing sa totoong licensed recuitment agencies. I-check sa kanilang website o i-verify gamit ang WorkAbroad Validate Agency email: https://www.workabroad.ph/validate-agency 

5. Social Media at Online Shopping Scams. Maraming OFWs ang bumibili ng mga produkto online, lalo na sa mga social media platforms. Marami ring pekeng sellers na nagbebenta ng murang produkto o mga "discounted" items pero wala talagang laman ang mga order. 

Paano Maiiwasan: 

  1. Mag-ingat sa mga sobrang murang deals na hindi kapani-paniwala. Mag-dalawang-isip kung ang presyo ay masyadong mababa. 
  2. Pumili ng mga verified sellers o shops na may magagandang reviews at tamang warranty sa kanilang produkto. 

6. Paano Ma-Verify Kung Legit ang Alok o Nagbebenta? 

  1. Gumamit ng Trusted Platforms. Mas ligtas kung bibili ka o mag-aapply sa mga kilalang platform gaya ng WorkAbroad o SeamanJobsite, na may mga verified job listings at products. Ang paggamit ng ganitong trusted platforms ay makakatulong na protektado ang iyong transaction. 
  2. I-verify ang mga Detalye ng Kumpanya. Para sa mga job offers o investment deals, i-check sa DMW at SEC kung rehistrado ang kumpanya. Kung walang business permit o accreditation, mag-dalawang-isip na. 
  3. Makipag-ugnayan sa DMW Hotline. Kung may duda ka sa isang alok o transaction, tumawag sa DMW hotline para humingi ng payo o clarification. Ang pagiging maingat ay mas mainam kaysa magsisi sa huli. 

7. Karagdagang Paalala Para Makaiwas sa Mga Scams 

  1. Mag-research at Magtanong. Bago mag-invest o magpatuloy sa kahit anong alok, gawin ang research. Alamin kung may feedback mula sa ibang tao na may parehong experience, at huwag matakot na magtanong sa mga kakilala. 
  2. Maging Alerto sa Mga Unsolicited Offers. Kapag may alok na dumating bigla sa social media o email, maging mapanuri. Maraming scammers ang gumagamit ng "cold-calling" o "cold-messaging" para makaakit ng biktima.
  3. Protektahan ang Iyong Personal na Impormasyon. Huwag basta-basta ibigay ang iyong personal na detalye gaya ng bank details, address, o contact numbers sa kahit sino lalo na kung hindi mo alam ang tunay na intensyon. 

Bilang isang OFW, huwag hayaang mabiktima ng mga mapanlinlang na tao. Mag-ingat, mag-research, at gumamit ng mga trusted platforms para siguradong protektado ang bawat transaksyon mo. Ang pagiging alerto ay makakatulong upang mapanatiling ligtas ang iyong pinaghirapan. 

For other articles regarding avoiding scams, please click check the following links below: 

 - https://www.workabroad.ph/blog/item/445/paano-maiiwasan-ang-mga-recruitment-scams-targeting-ofws?

 - https://www.workabroad.ph/blog/item/403/top-things-to-look-out-for-in-internet-email-scams

 https://www.workabroad.ph/blog/category/tips-guides/scam-alert