Para sa mga OFWs, mahalagang matiyak na legit ang ahensyang papasukan ninyo. Marami ang naglipanang scam at illegal recruiters na nagtatarget sa mga naghahanap ng trabaho sa ibang bansa. Ang pag-verify ng recruitment agencies ay isa sa mga unang steps para makaiwas sa mga scammers at masigurong ikaw ay nag-aapply lamang sa safe and legit jobs abroad. Narito ang step-by-step guide para malaman kung lehitimo ang isang recruitment agency. 

Step 1: Gumamit ng Mga Official Tools 

Ang unang hakbang sa pag-verify ng recruitment agency ay ang paggamit ng mga trusted online tools. Ilan sa mga ito ay ang: 

  • DMW License Checking SystemBumisita sa website ng Department of Migrant Workers (DMW) at gamitin ang kanilang license checking tool (https://dmw.gov.ph/licensed-recruitment-agencies). Ang DMW ay may listahan ng mga registered agencies na may license to deploy Filipinos abroad. Sa pamamagitan nito, makakasigurado ka kung accredited ng gobyerno ang iyong napiling ahensya.  

  • Validate Agency Email Feature ng WorkAbroadTo check kung ang email na nagsesend sa inyo ay nasa database ni WorkAbroad, pwede niyong gamitin ang tool na ito: https://www.workabroad.ph/validate-agency. Sa pamamagitan ng Validate Agency Email, maari niyong malaman kung sa registered agency ba ang kumo-contact sa inyo via email.  

Mga Dapat Tandaan: 

  • Ang mga licensed recruitment agencies ay naka-register sa DMW. Kung hindi mo sila makita sa listahan, mag-dalawang isip na agad. 

  • Regular na mag-check sa website ng DMW at WorkAbroad para sa updated na impormasyon tungkol sa mga lehitimong ahensya. 

Step 2: Iwasan ang Unofficial Communication Channels 

Ang mga legal na ahensya ay gumagamit ng mga professional at official communication channels gaya ng email, opisyal na website, at opisina ng ahensya. Kapag nakikipag-ugnayan ang isang recruiter sa iyo sa pamamagitan lamang ng social media tulad ng Facebook, Instagram, o messaging apps gaya ng WhatsApp or Telegram, mag-ingat ka. Narito ang mga palatandaan ng mapanlinlang na komunikasyon: 

  • Walang Pormal na Email o Contact InformationKadalasan, ang mga illegal recruiters ay gumagamit ng personal na email (tulad ng Gmail o Yahoo) sa halip na corporate email. Siguraduhing ang komunikasyon ay mula sa mga opisyal na channels ng ahensya. 

  • Mga Haka-hakang Alok sa TrabahoHuwag basta maniwala sa mga “job offers” na lumalabas sa iyong social media feeds o groups kung saan walang klarong detalye tungkol sa alok na trabaho at proseso. Dapat laging malinaw ang job description, contract terms, at benefits. 

  • Mabilisang Hiring Process – Kung ang recruiter ay nagmamadali at hinihikayat kang agad-agad magbayad o magbigay ng personal na impormasyon, malaking red flag ito. Ang mga lehitimong proseso ng recruitment ay dumadaan sa maayos at transparent na paraan, kaya hindi dapat madaliin. 

Step 3: Huwag Magbigay ng Personal na Dokumento sa Unverified Platforms 

Bago magbigay ng anumang sensitibong impormasyon, siguraduhin munang verified ang platform na iyong gagamitin. Huwag basta-basta mag-send ng iyong passport, birth certificate, o anumang personal na information sa pamamagitan ng social media, personal email, o messaging apps. Ang mga lehitimong ahensya ay may opisyal na platform o secure na paraan para ipasa ang iyong dokumento. 

Mga Tips sa Pag-protekta ng Personal na Dokumento: 

  • Tiyakin ang Kanilang Privacy Policy – Bago mag-send ng dokumento, basahin ang privacy policy ng ahensya. Ang isang lehitimong ahensya ay may malinaw na patakaran tungkol sa kung paano nila pinoprotektahan ang iyong personal na impormasyon. 

  • Limitahan ang Pag-share ng Iyong Personal na Impormasyon – Hangga’t maaari, huwag magbigay ng sobrang impormasyon nang hindi muna natitiyak ang pagkakakilanlan ng recruiter. Kung wala pang tiwala sa ahensya, mas mainam na limitahan ang pag-share ng mga personal information. 

Step 4: Alamin ang Mga Red Flags sa Illegal Recruitment 

Bukod sa tamang proseso ng pag-verify, mahalaga ring alamin ang mga karaniwang senyales ng illegal recruitment. Narito ang ilan sa mga dapat mong bantayan: 

  • Pangangailangan ng Bayad Bago Mag-apply – Ang mga legit na agencies ay hindi humihingi ng anumang bayad bago magsimula ang application process. Kapag may bayad na hinihingi bago pa man magkaroon ng klarong trabaho, mag-ingat dahil ito ay isang malaking red flag. 

  • Mga Alok na Trabaho na Masyadong Maganda para Maging Totoo – Ang mga lehitimong trabaho ay hindi nangangako ng mataas na sahod na walang kaakibat na karanasan o kwalipikasyon. Kapag ang offer ay mukhang "too good to be true," ito ay malamang isang scam. 

Step 5: Tumawag sa DMW Hotline para sa Verification 

Kung ikaw ay may alinlangan sa ahensya, huwag mag-atubiling tumawag sa DMW hotline. Sila ang iyong gabay at makakatulong sa pag-verify ng ahensya, pati na rin sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa lehitimong proseso ng pag-apply abroad. 

Paalala at Tips sa Pag-verify ng Ahensya 

  • Huwag Mag-madali – Ang paghanap ng tamang trabaho at ahensya ay hindi minamadali. Ilaan ang oras sa pag-check ng lahat ng impormasyon para hindi masayang ang oras at pera sa mapanlinlang na recruiters. 

  • Magtanong at Mag-researchHuwag mahiyang magtanong sa ibang OFWs o sumali sa mga online forums upang makakuha ng payo at feedback mula sa mga may parehong karanasan. 

  • Gamitin ang Mga Online ResourcesBukod sa DMW, may mga forums at websites na naglalaman ng reviews at feedback mula sa mga kapwa OFWs tungkol sa mga ahensya. 

Ang pagiging mapanuri sa mga ahensyang iyong pinapasukan ay susi sa pagkakaroon ng matagumpay at ligtas na job process sa ibang bansa. Ang mga tips na ito ay makakatulong sa inyo upang maiwasan ang mga illegal recruiters at mga mapanlinlang na tao na ang layunin ay makuha ang iyong pinaghirapang pera at ipon. Mag-ingat, maging maalam, at siguraduhing ikaw ay may tamang gabay bago ka magtrabaho sa ibang bansa. 

For other articles regarding avoiding scams, please click check the following links below: