background for success stories

Here are some successful applicants that got their jobs through WorkAbroad.ph!


Testimonial default image
Taong 2014 noon nung naisipan kong mkipag sapalaran sa abroad muli. Nung panahon na yun, ako ay nagtuturo sa Dagupan,Pangasinan bilang HRM College Professor, subalit hndi lingid saking kaalaman na ang aking kinikita ay sapat lamang sa pang araw araw na gastusin, katulad ng iba, marami rin akong pangarap sa buhay, hindi lamang para sakin, para narin sa pamilya ko at sa magiging sariling pamilya ko. Nasa pangasinan ako noon nung ako'y mag register sa WorkAborad.ph, nakakatuwa na pag bukas mo ng WorkAbroad.ph website ay makikita mong legit talaga at dumaan sa legal na proseso ang mga agencies dito kaya hndi ako nag dalawang isip na mag register. Marami akong inapplayan na mga job vacancies, isa na run ang Store Supervisor sa SMC Manpower Agency Philippines. At ako ngay pinagpala dahil halos isang linggo palang ang nakakaraan ay tumawag na agad ang kanilang staff sa akin at sinabi nga na darating ang General Manager mismo ng kumpanya na galing sa Saudi Arabia doon sa vacancy na inapplayan ko. Dali dali akong nag ayos at lumawas ng manila at pansamantala ay nakitira muna sa bahay ng aking nakatatandang ate sa Cainta. Isang araw bago ang interview, talagang nag review ako ng mga isasagot, ni refresh ko lahat ng mga kaalaman ko, at ito na nga, dahil sa sobrang excited ako, dumating ako sa agency ng napakaaga, sa maniwla kayo o hndi, sarado pa ang agency nung dumating ako. :) Nung mag bukas na ang agency, ako ang pinka una sa registration, sa makatuwid ako ang unang iinterviewhin. Puno ng tensyon ang lahat, halo halong kaba ang nakita ko sa mukha ng mga kasabayan kong magbabakasakali rin abroad, lahat ay may pangarap at gnun din nman ako. Nung magsimula ng tawagin ang pangalan ko, pinasimulan ko muna ng taimtim na dasal bago ako pumasok sa kwarto kung asan andun ang mga ibang lahi para harapang mainterview ako. Makalipas ang ilang minuto ng pagtatanungan, sa biyaya at habag ng Diyos, nakuha ko nga ang trabahong aking pinapangarap. Napaka bilis lamang ng proseso, halos hndi umabot ng isang buwan hanggang sa tuloy tuloy ng ako na nga ay makapunta ng KSA. Pinagbutihan ko sa trabaho, mahirap, hndi maaalis yun, pero isa yung susi para pag husayan pa natin at matuto pa sa ating mga trabaho. Hanggang sa ilang buwan kong pagtratrabaho, nakakatanggap ako ng mgagandang comments galing sa aking mga superiors. At ng magkaroon nga kami ng Annual Gathering, mapalad akong tinawag at inannounce bilang Best Store Manager of the Year at napromote bilang Store Manager. lahat ng pangarap ko ay unti unting natutupad. Tunay nga na kapag meron tayong gustong abutin, daanin natin sa sipag at tyaga, sa determinasyong positibo na laging idaan sa legal na paraan at sympre laging idulog sa ating Diyos. Nag papasalamat ako sa First Economic Company, sa KSA dahil sa pagkakataon at pagtitiwalang ibinigay nila sa akin sa apat na taon. Nagpapasalamat din ako kay Sir Roger at sa buong team niya sa SMC Manpower Agency Philippines dahil sa smooth at supporta at tulong na ibinigay hindi lamang sa akin pati narin sa iba pang kasamahan ko, nakarating na kami sa Saudi Arabia ay tuloy parin ang communication nila sa bawat isa at sinisiguradong maayos ang kalagayan ng mga taong pinaalis nila. Hndi man na ako parte ng kumpanya ngayon, dahil ako ngayon ay narito na sa Dubai at nagtratrabaho parin bilang Store Manager at meron naring asawa. Unti unti naring nabubuo ang pangarap ko. Marami pa akong tatahakin subalit alam ko na hindi impossible ito basta magtiwala lang tayo sa kakayahan ng Diyos at hindi sa atin. God bless you all po at nawa maging simpleng inspirasyon ang aking Success Story sa mga OFW na may mga pinagdadaanan ngayon at sa mga nagnanais ding magtrabaho abroad. Sa buong Admin at Staffs ng WorkAbroad.ph, Maraming Salamat po. Mabuhay po tayong mga Pilipino at mabuhay ang lahat ng OFW sa iba't ibang panig ng mundo. God bless you all.

Cristian Yanes Dalope

Store Manager

Showing 1 to 1 out of 1 success stories

Inspire others by sharing your success stories.

Post Your Success Story